Bata, Bata… Pa’no ka Ginawa?
Direksyon
Ang “Bata, Bata … Pa’no ka Ginawa? “ay isang pelikulang hango sa nobela ng isang premyadong manunulat na sa Luwalhati Bautista .
Ang istorya ay umiikot sa mga kababaihan noon na pawang naging sunod- sunudan lamang sa mga asawa nila o sa mga kalakakihan. Noon madalas makita ang mga kababaihan na gumaganap lamang bilang ina o asawa ngunit nag iba ang lahat nang mabuksan ang mga tanggapan para sa mga babaeng naabuso o nanakawan ng karapatang pantao.
Dito tinatalakay ang buhay ng isang makabagong ina kung saan siya ay nagtatrabaho at hindi katulad ng tipikal na ina na laging sa bahay na lamang , si Lea ay may dalawang anak, isang babae at isang lalaki. Makikita sa pelikulang ito kung paano isabuhay bg isang ina ang pagiging magulang sa kanyang mga anak sa makabagong panahon.
Naging pelikula rin ang mahabang istoryang ito sa pangunguna ng batikang aktres na si Vilma Santos, bilang Lea, noong 1998 at sa direksyon ni Chito S. Roño .
Istoryang Pampelikula
Nagsimula ang istorya sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak na babaeng si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea - ang buhay niya na may kaugnayan sa kaniyang mga anak, sa mga kaibigan niyang mga lalaki, at sa kaniyang pakikipagtulungan sa isang samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anak niya - at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroon na ang mga hakbang sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga ito: si Maya sa pagiging paslit na may kuryosidad, samantlang si Ojie sa pagtawid nito patungo sa pagiging isang ganap na lalaki.
Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni Lea upang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka kapwa kuhanin na ng mga ama ito ang kaniyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho at sa samahang tinutulungan niya.
Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya - isang pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos ng mga mag-aaral ang laman ng huling kabanata, kung saan panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kay bilis ng panahon, na kasingbilis ng paglaki, pagbabago, at pagunlad ng mga tao. Nagiwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang mga bagay sa buhay ng isang tao.
Pagganap
•Mga pangunahing tauhan
…Vilma Santos …Lea Bustamanante (Ang bida at bayani sa nobela)
Ariel Rivera
... Raffy (Unang asawa ni Lea, ama ni Ojie)
Albert Martinez
... Ding (lalaking kinakasama ni Lea, ama ni Maya)
Raymond Bagatsing
... Johnny (kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea)
Carlo Aquino
... Ojie (anak na lalaki ni Lea)
Serena Dalrymple
... Maya (anak na babae ni Lea)
Matagumpay na nagawa ng mga artista na mapaniwala ang mga manunuod sa tauhang kanyang inilalarawan . Malinaw ang mga motibong nais iparating ng bawat tauhang gumaganap.
Sinematograpiya
Bawat galaw ng kamera ay siguradong tiyak at masining . Ang bawat anggulo ay tama lamang ang bawat galaw , ang layo at lapit ng kinukuhanan na nais nating makita . Naging ayos din ang timbang ng liwanag at dilim sa pag iilaw.
Dahil dito malinaw at maayos na naiparating sa mga manunuod ang tunay na mensahe at mga naging damdamin sa bawat eksena. Tumatak ang pelikulang ito sa isipan ng mga manunuod dahil sa perpektong pagkuha ng mga kaganapan . Hindi ka na maguguluhan sa biglang pagiba ng anggulo ng kamera sapagkat malinis ang pagkuha ng kaganapan. Naging maayos at perpekto ang lahat.Matagumpay nitong naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng pag iilaw , komposisyon , galaw at iba pang bagay na kaugnay sa teknik .
Disenyong Pamproduksyon
Bumagay ang mga kagamitang ginamit sa daloy ng kwento . Naisakatuparan sa malikhaing paraan ang pook , tagpuan , make up , kasuotan , kagamitan na nagpalitaw ng panahon at tunay na emosyon .
Makikita dito na hindi ganoong mayaman ang pamilya ni Lea. Naging tama ang mga kasuotang ginamit sa bawat eksena dahil ayon ito sa estado ng kanilang mga pamumuhay.
Tulad na lamang ni Raffy at ni Elinor , may kaya sila sa buhay kaya’t makikita dito na mas ayos ang kanilang kasuotan kaysa kina Lea bagama’t medyo may kasimplehan.
Ang mga lugar naman na ginamit sa bawat kaganapan ay makikitang naging angkop sa bawat pangyayari, simpleng bahay ni Lea, paaralang pinasukan nina Maya at Ojie ,ang pinagtatrabahuhan ni Lea at pati na rin magandang bahay nina Raffy.
Tamang tama ang tema sa panahon na ito. Ang komplikasyon ng oras sa pamilya at sa trabaho, mga taong hindi mo lahat mpapasaya, may masayang araw, at mayroon ding hindi.
Pag-eedit
Hindi matatawaran ang kagalingan ng pag eedit ng pelikulang ito . Maayos ang pagkaka-edit nito bagamat nagiiba ang pokus ng kamera di natin mapapansin agad agad ito . Nagawang mapagdugtong dugtong ang magkakaputol na pang yayari, at naging malinaw at malinis naman ang mga detalye ng pelikulang nabanggit..Hindi naapektuhan ang nais iparating ng direktor at ng mga gumaganap. Malinaw nitong pinakitid o pinalawak ang oras , galaw at kalawaakan.
Naging madali ang pag iintindi sa pelikula . Tunay na naging matagumpay ang pelikulang ito.
Junior Life ♥
Sunday, July 25, 2010
Saturday, July 10, 2010
Time flies so Fast : Year 10 na ako :( ..
Hayst ! "Time really flies so fast" . This is definitely true . Parang kelan lang nung grumaduate ako sa St. Mary Eufracia Montessori (SMEM) bilang Valedictorian . Pero ngayon andami na agad nangyari . Ngayon mas alam ko na ang tunay na kahulugan ng buhay . Na ang buhay di lang laging pa easy easy lang , di lagging puro saya , kelangan magsikap ka para maabot mo ang tuktok ng tagumpay ..Na di ka panghabang buhay magaling . Na minsan may MAS magaling , matalino , kahanga hanga at mabait kaysa sayo ..Noon di ako marunong magi net , sumakay sa jeep , at madami pang iba pero ngayon ibang iba na talaga..IBANG IBA ! ..
Key Stage 4 Year 10 – Perseverance ! Junior na ako !
Sa halos ilang linggo ko bilang isang Junior student .. Naranasan ko ng ma disappoint,matuwa,mainis,umiyak at mangarap. Halos isang buwan pa lang pero andme ko na agad napatunayan at nagawa. Sa loob ng isang buwan na yun . Napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko pala ulit ibalik yung passion ko sa pag aaral , yung will kong matuto .. NA , Oh .. Basta pala ibigay mo yung puso mo sa isang bagay na gusto mong gawin magagawa mo .
Salamat talaga sa Diyos .. Kasi sa kabila ng mga kamalian ko andyan parin siya para tumulong sakin , sa amin ..
Sigurado ako na pag nabsa ‘to ng mga kakaklase ko o sa mga nakakakilala sa akin sasabihin nila for sure na ang drama ko. Pero ayos lang yun. Ganun talaga e. Yun yung totoo.
DREAM BIG ! AJA ! TO LIFE .. DON'T STOP BELIEVING ! ..
Friday, June 25, 2010
June 21 - 25: My First Week in Class !
Classes in Westmead International School finally starts !
Wew ! Can't believe that I turned 14 last Saturday and now trying to enjoy being a Junior ! Kinda weird that I still can't cope with my new environment, new room and everything about being a Junior.
Haay ! This week I met and knew my new classmates and teachers ..
I have 5 new classmates including 4 boys and 1 girl ..
ANJELLU ALLEN SILVA - a former student of SBC .. she's nice and friendly .. she's the only new girl in our class
DONN JHUSTYNE JOLO PEREZ - a former student of UB .. he's cool and friendly too.. he's a good singer but he's denying it and oc a good dancer ..
AUSTIN PEDROSO - he's from Calapan MIndoro .. he's kinda weird and absent minded but still i'm trying to mingle with him ..
DENIEL GENNE PUYO - a small boy from UB .. at first i never thought that his our classmate because it seems that his so young .. he's makulit and kinda childish pa ..
LEZTER BINUYA - he's from UB also .. quiet and not that talkative ..
I have new teachers too ..
MS . MARRY GRACE MAYUGA, MS. CRISTEL and SIR YURI ..
Now I'm still hoping that my year with them will be fun and exciting !
I'm really looking forward for a school year full of learnings !
Subscribe to:
Posts (Atom)